Sinabi rin ni Go na biro lang din ang pagtawag sa kanya na pangulo ni Pangulong Duterte.
Kasabay nito, ang paglabas ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan nangunguna ang senador sa hanay ng mga itinuturing na ‘presidentiables’ sa 2022 presidential election.
Pagdidiin ni Go, wala pa sa kanyang isip na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa at aniya, wala siyang interes sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Pagdidiin niya, ang prayoridad nila ni Pangulong Duterte sa ngayon ay ang pagtulong sa mga kapwa Filipino na labis na pinahihirapan ng pandemya.
Aniya, wala silang panahon ng Punong Ehekutibo na mamulitika.
“Hanggang 2025 pa ang term ko bilang senador at ang prayoridad ko ngayon ay ang pagsisilbi sa kapwa,’ sabi pa ng senador.
Sabi pa ni Go, abangan na lang sa Oktubre, sa simula ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa national positions para sa eleksyon sa susunod na taon.