Sen. Bong Go: Joke lang ni Pangulong Duterte ang pagtawag sa akin na president

By Jan Escosio March 12, 2021 - 04:36 PM

Hindi dapat seryosohin dahil nagbibiro lang muli si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senator Christopher Go, nang sabihin nito na pangarap ng senador na maging pangulo ng bansa.

Sinabi rin ni Go na biro lang din ang pagtawag sa kanya na pangulo ni Pangulong Duterte.

Kasabay nito, ang paglabas ng resulta ng Pulse Asia survey kung saan nangunguna ang senador sa hanay ng mga itinuturing na ‘presidentiables’ sa 2022 presidential election.

Pagdidiin ni Go, wala pa sa kanyang isip na tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa at aniya, wala siyang interes sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Pagdidiin niya, ang prayoridad nila ni Pangulong Duterte sa ngayon ay ang pagtulong sa mga kapwa Filipino na labis na pinahihirapan ng pandemya.

Aniya, wala silang panahon ng Punong Ehekutibo na mamulitika.

“Hanggang 2025 pa ang term ko bilang senador at ang prayoridad ko ngayon ay ang pagsisilbi sa kapwa,’ sabi pa ng senador.

Sabi pa ni Go, abangan na lang sa Oktubre, sa simula ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa national positions para sa eleksyon sa susunod na taon.

TAGS: 2022 elections, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, 2022 elections, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.