Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, nasa 1,246

Karagdagang 226 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (March 12), sumampa na sa 30,119 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,246 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 199 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 169 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 184 residente naman ang bagong gumaling at tatlo ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 28,050 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 823 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...