6 na sawmill workers na dinukot, buhay pa

 

Mariing itinanggi ng Lanao Del Sur Police Provincial Office na pinatay na ng mga bandido ang animna sawmill workers na kanilang binihag kamakailan.

Ayon kay Sr. Supt. Rustom Duran, patuloy pakikipag-usap sa mga mga armadong grupo na may hawak sa mga bihag upang ligtas namapalaya ang mga ito.

Mismong si Butig Mayor Ibrahim Macabato aniya ang inatasan ng binuong Crisis Management Committee upang makipagnegosasyon sa mga may hawak sa anim na manggagawa.

Una rito, sapilitang tinangay ng mga armadong suspek ang mga saw mill workers sa bayan ng Butig.

Ang grupo umano ng Maute brothers anag pasimuno ng kidnapping.

Read more...