Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 119.12 milyon

Pumalo na sa 119.12 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 119,120,511 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 29,925,902 cases.

Sumunod na rito ang India na may 11,308,846 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,284,269 naman ang kaso sa Brazil habang 4,360,823 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,241,677
– France – 3,990,331
– Spain – 3,178,356
– Italy – 3,149,017
– Turkey – 2,835,989
– Germany –  2,546,510
– Colombia – 2,290,539
– Argentina – 2,177,898
– Mexico – 2,151,028

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,641,790 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 94,731,229 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...