Food Security Program ng Manila para sa buwan ng Marso, umarangkada na

(Courtesy: Manila PIO)

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng food boxes sa 700,000 na pamilyang Manilenyo para sa buwan ng Marso.

Batay sa huling ulat ng Department of Public Services – Manila, umabot na sa 50,000 food boxes ang na-deliver noong March 11 sa higit 50 mga barangay sa District 1 ng lungsod.

Kabilang sa mga nabigyan ang mga residente ng Barangay 351, Barangay 725 at dalawang hotel sa Barangay 699 na sumailalim sa lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang Food Security Program ay inilunsad upang maibsan ang gutom ng mga pamilyang Manilenyo habang nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.

Samantala, magpapatuloy ang pamamahagi ng food boxes sa buong Lungsod ng Maynila sa susunod pang mga araw.

Tatagal naman ang naturang food subsidy ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa loob ng anim na buwan.

 

Read more...