Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak ni Senador Bong Go na maging pangulo ng bansa.
Sa talumpati ng Panngulo sa pagpapasinaya sa mga proyekto sa Negros Oriental, sinabi ng Pangulo na habang pababa sila ng eroplano, kinausap siya ni Go at sinabing may gusto itong hinging pabor.
Pagbubuking ng Pangulo, gusto raw ni Go na maging pangulo kahit na matagal pa ang eleksyon.
“Ito ba si Senator Bong Go, pababa kami sa eroplano sabi niya na, “Sir may hingiin sana ako sa iyo ng pabor.” Sabi ko, “Ano ‘yon?” Sabi niya, “Medyo ma — it leaves a bad taste in the mouth, malayo pa eh pero ikaw na lang ang magsabi sa kanila.” Eh ‘di sabihin ko. Ang totoo talaga isang bagay lang, sabihin daw sa inyo gusto niya maging president,” pahayag ni Go.
Napataas ang kamay ni Go para sana mag protesta subalit nagtalumpati na ang pangulo hinggil sa kaniyang sadya sa lalawigan.
Matatandaan na noong Marso 5, tinawag ni Pangulong Duterte si Go na president nang ipakilala sa mga tao.
Base sa Pulse Asia Survey, nanguna si Go sa mga presidential candidate sa 2022 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.