Special IDs hindi kailangan sa unified curfew hours sa Metro Manila
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na hindi na kakailanganin pa ng ‘essential workers’ ang special ID para sa unified curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay Abalos, ang company ID ay sapat na kapag sinita ng awtoridad para patunayan ang oras ng trabaho.
Sa darating na Lunes, nagkaisa ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magpatupad ng iisa ng curfew hours, alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.
“Yung mga IDs nila sa trabaho nila, yun ang ipapakita nila. So wala na kailangang magbigay pa ng pass,” sabi niyo.
Hanggang sa katapusan ng buwan ang uniform curfew at ito ay bunga nang pagdami muli ng tinatamaan ng coronavirus sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.