Walang umako ng responsibilidad sa Kidapawan dispersal

By Jay Dones April 08, 2016 - 03:27 AM

 

Mula sa Inquirer

Wala ni isa man sa mga dumalo sa senate hearing kaugnay sa marahas na Kidapawan dispersal ang nais na umamin na sila ang nag-utos na lansagin ang hanay ng mga magsasaka noong April 1.

Sa pagharap ni North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza sa isinagawang senate hearing ng committee on justice and human rights sa Davao City, iginiit nito na hindi sa kanya nagmula ang kautusang ipatupad ang dispersal.

Gayunman sinabi nito na sa kasagsagan ng rally ng mga nagpoprotesta, tuluy-tuloy ang kanyang ugnayan sa pamunuan ng pulisya.

Sa panig naman ng pulisya, sinabi ni Supt. Alexander Tagum, hepe ng North Cotabato provincial police Office na tumatanggap siya ng direktiba mula sa kanyang regional Director na si Chief Supt. Noel Armilla.

Gayunman, iginiit ni Armilla na ang kanyang direktiba sa sitwasyon ay ang i-clear ang highway kung saan nagtitipun-tipon ang mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, ni-relieve na sa puwesto si Supt. Tagum upang sumalang sa imbestigasyon kaugnay sa Kidapawan dispersal.

Samantala, nanawagan naman si Senador Aquilino Pimentel III, chairman ng komite sa national government na magpalabas na ng pondo upang tulungan ang mga magsasakang apektado na ng tagtuyot.

Giit naman ni Gov. Mendoza, may sapat na pondo ang lokal na pamahalaan at may bigas silang ipapamahagi sa mga magsasaka.

Gayunman, ito aniya ay una munang ipapamahagi sa mga munisipyo at barangay bago direktang ipapamigay sa mga magsasaka.

May nakalaan rin aniyang 100 milyong piso na calamity fund ang North Cotabato para sa pagtugon sa mga kalamidad tulad ng tagtuyot.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.