Pagkakaroon ng unified curfew hours, pinagkasunduan ng Metro Manila mayors
Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magkaroon ng unified curfew hours.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ipatutupad ito mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga simula sa Lunes, March 15.
Epektibo ang nasabing curfew hours sa National Capital Region (NCR) sa loob ng dalawang linggo.
Isa aniya ito sa mga napagkasunduan ng mga alkalde, maliban sa agresibong pagsusuri at contact tracing.
Ani Abalos, sinumang mahuhuling lalabag ay papatawan ng parusa depende sa mga ipinatutupad na ordinansa sa bawat lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.