Santa Cruz, Zambales muling niyanig ng lindol

Muling nakaramdam ng lindol sa Zambales.

Ayon sa Phivolcs, may lakas na magnitude 4.7 ang tumamang lindol sa Santa Cruz bandang 9:27 ng gabi.

Namataan ang episentro nito sa layong 71 kilometers Southwest ng nasabing bayan.

May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa Santa Cruz at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...