Cambodia, nakapagtala ng unang COVID-19 death

Nasawi ang isang 50-anyos na pasyenteng apektado ng COVID-19 sa Cambodia.

Ayon sa Ministry of Health ng Cambodia, ito ang unang nasawi sa nasabing bansa na may kinalaman sa COVID-19.

Pumanaw ang pasyente sa Khmer-Soviet Friendship Hospital bandang 10:40, Huwebes ng umaga (March 11).

Nakatira ang nasawing pasyente sa Chak Angre commune sa bahagi ng Meanchey district sa Phnom Penh.

Nagtrabaho ang pasyente bilang drayber sa isang Chinese business owner sa Preah Sihanouk province.

Read more...