Pagpasya kung sisibakin si Parlade bilang NTF-ELCAC spokesman, ipinaubaya ng Palasyo kay Lorenzana
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapasya kung sisibakin bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict si Lt. General Antonio Parlade Jr.
Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa rekomendasyon ng mga senador na sibakin si Parlade sa naturang puwesto dahil labag ito sa batas.
Ayon kay Roque, mas makabubuting si Lorenzana na ang magdesisyon kaugnay sa naturang isyu.
Katwiran naman ni Lorenzana, walang nilalabag na probisyon si Parlade sa 1987 Constitution.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Lorenzana na kung tatanggalin si Parlade sa NTF ELCAC, dapat na tanggalin na rin ang Armed Forces of the Philippines.
“Kami ang involved diyan. We are involved here. Kung tanggaling mo ‘yang si General Parlade ay tanggalin mo na rin kami diyan, ‘yung Armed Forces,” pahayag ni Lorenzana.
Pinamumunuan ang NTF-ELCAC ng PNP at AFP.
Nakasaad sa Article 16, Sectin 5, Paragraph 4 ng Konstitusyon na bawal ang sino mang miyembro ng AFP na aktibo pa sa serbisyo na ma-appoint o maitalaga sa anumang civilian position sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.