Gagamitin na ng Philippine National Police (PNP) ang mga body camera sa buwan ng Abril.
Pahayag ito ng Palasyo ng malakanyang sa gitna ng kaliwa’t kanang batikos na tinatanggap ng PNP matapos ang madugong pagpatay sa siyam na aktibista na umanoy nanlaban sa operasyon sa Calabarzon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon, sumasailalim na sa traning ang mga pulis para sa paggamit ng mga body camera.
Sa ganitong paraan aniya, maiiwasan na ang pagdududa ng taong bayan sa kung ano ang tunay na nangyayari sa mga operasyon lalo na kung may mga napapatay.
Magagamit aniya ang mga body camera bilang physical evidence dahil hindi nagsisinungaling ang video.
“Naririyan na po ang mga body cams, nagti-training na po tayo at inaasahan po natin magagamit na po ang mga body cams na ‘yan sa buwan ng Abril nang maiwasan na po iyong pagduda ng taumbayan kung ano talaga ang mga pangyayari ‘pag mayroon pong napatay. Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” pahayag ni Roque.
Narito ang report ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.