Mga manyakis at bastos bawal na sa QC

By Den Macaranas April 07, 2016 - 08:11 PM

philippine-prisonDahil sa mga tumataas na reklamo laban sa pambabastos kahit na sa mga pampublikong mga lugar, isang ordinansa ang pinagtibay sa Quezon City na tatapat sa kabastusan ng mga manyakis.

Sinabi ni Quezon City Administrator Aldrin Cuña na pinagtibay nila ang isang ordinansa na tutuldok sa ibat-ibang mga klase ng sexual harassments.

Sakop  ng ordinansa ang pagsipol, pagtawag ng “seksi”, pagsunod-sunod pati na rin ang pananantsing sa mga kababaihan sa lungsod.

Para sa light violations, sakop nito ang pag-sipol at pagtawak ng seksi sa isang babae.

May katapat na parusa ang nasabing violation na isang araw hanggang sa isang buwang pagkaka-kulong at multa mula P1,000 hanggang P5,000.

Para sa medium violations, sakop naman nito ang pagkindat, stalking at pananakot kung saan meron din itong katapat na pagkaka-kulong mula isang araw hanggang isang buwang pagkaka-bilanggo at multa na hindi hihigit sa limang libong piso.

Ang sever violations naman ayon sa ordinansa ay sumasakop sa panghihipo at pananantsing at ito ay may katapat na pagkakakulong na hindi hihigit sa isang buwan at multa mula P3,000 hanggang P5,000.

Para sa mga mabibiktima ng nasabing uri ng mga pambabastos sa Quezon City ay naglagay ng 24-hour hotline na 436-7211 na kaagad na tutugon sa mga reklamo.

TAGS: ordinance, quezon city, sexual harassments, ordinance, quezon city, sexual harassments

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.