Sa Tuguegarao City, Cagayan, nahuli ang suspek na si Antonio Polintan alyas “Tony Curugan” sa bahagi ng Barangay Linao East bandang 8:30, Martes ng gabi.
May kinakaharap ang suspek na dalawang warrants of arrest dahil sa kasong Qualified Rape by Carnal Knowledge at Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5 (B) ng Republic Act 7610.
Sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas na kabilang si Polintan sa listahan ng Regional Most Wanted Persons sa Central Luzon bilang primary suspect sa rape case sa Barangay Sta. Cruz, Baliuag, Bulacan.
Dinala ang suspek sa Tuguegarao City Police Station bago nai-turnover sa Baliuag Municipal Police Station, Bulacan PPO.
Samantala, arestado rin ang Top 8 Most Wanted Person sa CALABARZON na si Jake Glenn Briones, 28-anyos.
Nahuli ng mga awtoridad si Briones sa kaniyang bahay sa bahagi ng Barangay Malabrigo sa Lobo dakong 8:00, Miyerkules ng umaga (March 10).
Mayroong warrant of arrest laban sa suspek dahil din sa kasong rape.
Ayon kay Sinas, naging matagumpay ang serye ng mga operasyon sa pamamagitan ng aktibong kampanya laban sa kriminalidad kasama ang kooperasyon at suporta ng komunidad.
“We appeal to the public to strengthen coordination and join us in promoting public safety and security,” pahayag ng PNP Chief.