Lucita Soriano, pumanaw na

lucitasorianoPumanaw na ang batikang aktres na si Lucita Soriano sa edad na 75.

Kinumpirma ng anak nito na si Garry Garcia ang pagpanaw ng aktres kagabi dahil sa cardio-respiratory arrest at renal failure.

Ayon kay Garcia, isinugod nila sa ospital ang kanilang ina noong Linggo (Hulyo 5) nang makaranas ito ng severe diarrhea.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na mayroong amoebiasis at pneumonia si Soriano kaya kinailangan siyang ipasok sa intensive care unit.

Dagdag ni Garcia, isasailim sana sa dyalisis ang kanyang ina kagabi pero hindi na ito itinuloy ng mga doktor dahil sa mababang blood pressure at hirap nitong paghinga.

Nakatakda sanang magdiwang ng kanyang 75th birthday ang batikang aktres sa darating na Lunes (Hulyo 14).

Si Soriano ay lumabas sa ilang mga pelikula gaya ng “And God Smiled at Me,” noong 1972 kung saan nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa Quezon City Film Festival.

Gumanap din ang aktres sa mga pelikulang “Ang Babae sa Breakwater” (2003), “Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga” (1998) and “Paradise Inn” (1985) at mga teleseryeng “Valiente” (1992 to 1997), “Familia Zaragoza” (1995) and “Pangako sa ‘Yo (2000 to 2002)./ Fredmore Cavan

Read more...