Patuloy na magpapaulan sa Visayas at Mindanao ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.
Huling namataan kaninang 3am ang sentro ng LPA sa layong 465 kilometers Silangan ng General Santos City.
Ayon sa PAGASA, mababa ang posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA pero patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay dito.
Samantala, Amihan pa rin ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.
Dahil dito magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan sa Luzon na may kasamang panandaliang pag-ulan.
Ang araw ay sumikat 6:07 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:06 ng gabi.
MOST READ
LATEST STORIES