Visayas at Mindanao, uulanin dahil sa LPA

By Erwin Aguilon March 11, 2021 - 07:00 AM

Patuloy na magpapaulan sa Visayas at Mindanao ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

Huling namataan kaninang 3am ang sentro ng LPA sa layong  465 kilometers Silangan ng General Santos City.

Ayon sa PAGASA, mababa ang posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA pero patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay dito.

Samantala, Amihan pa rin ang nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.

Dahil dito magkakaroon ng bahagyang maulap na kalangitan sa Luzon na may kasamang panandaliang pag-ulan.

Ang araw ay sumikat 6:07 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:06 ng gabi.

TAGS: General Santos City, LPA, weather update, General Santos City, LPA, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.