Delfin Lee sinampahan ng tax evasion case

By Den Macaranas April 07, 2016 - 05:09 PM

delfin-lee-090414
Inquirer file photo

Nahaharap sa kasong tax evasion ang may-ari ng Globe Asiatique na si Delfin Lee na kasalukuyang naka-kulong sa Pampanga Provincial Jail.

Si Lee, kasama ang kanyang anak na si Dexter at mga opisyal ng G.A Concrete Mix Inc. (GACMI) ay sinasabing nagsabwatan para dayain ang buwis na kanilang binayaran noong 2019 at 2015.

Sa record ng Information Systems Development and Operations Service (ISDOS) ng Bureau of Internal Revenue, noong 2009 ay nagdeklara ng P13.40 Million ang kumpanya ni Lee samantalang umaabot sa P20.50 Million ang kanilang kabuuang revenue.

Noong 2010 ay P10.63 Million ang kanilang idineklarang kita samantalang sa record ng ISDOS ay umabot ito sa P15.31 Million.

Sa kabuuan, sinabi ng BIR na mayroong estimated total tax liability na P20 Million ang GACMI.

Magugunitang si Lee ay sinampahan ng kasong large scale estafa makaraan siyang masangkot sa P6 Billion housing scam sa lalawigan ng Pampanga.

TAGS: BIR, delfin lee, isdos, tax evasion, BIR, delfin lee, isdos, tax evasion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.