Comelec Intramuros offices, pansamantalang isasara simula March 11

Pansamantalang isasara ang mga opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa Comelec, magsisimula ang pagsasara simula sa araw ng Huwebes, March 11.

Sinabi ng komisyon na magsisilbi ito bilang precautionary measure para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Paliwanag pa nito, “in view of reports of documented recent transmission of the COVID-19 disease among employees.”

Tiniyak naman sa publiko ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi maaantala ang trabaho ng komisyon.

“Preparations for the Palawan Plebiscite as well as the 2022 National and Local Elections are underway and will continue to be undertaken by the officials and employees responsible,” pahayag nito.

Maaari pa ring makipag-ugnayan sa mga tanggapan tuwing regular working hours sa pamamagitan ng kanilang official e-mail addresses at iba pang online communication platforms.

Bukas din anila ang official Facebook at Twitter accounts ng Comelec para sa mga katanungan ng publiko.

Samantala, mananatili namang sarado ang Main Office at mga opisina ng Regional Election Director ng National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang March 24, 2021.

Read more...