Tagaytay City residents bawal kumupkop ng Taal volcano evacuees

Kuha ni Fritz Sales/Radyo Inquirer On-Line

Sakaling kailanganin na lumikas ang mga residente ng mga maapektuhang bayan kapag muling sumabog ang Taal Volcano, nag-abiso na ang pamahalaang-lungsod ng Tagaytay na hindi maaring tanggapin ang evacuees ng kanilang mga kaanak sa lungsod.

Sa ipinalabas na dalawang pahinang paalala ni Mayor Agnes Tolentino, nabanggit na may may itinakda ng drop-areas para sa mga evacuees para sa kanilang COVID 19 testing at pagdala sa itinakda rin evacuation areas sa ibat-ibang bayan sa Cavite.

Ngunit pinaghahanda din niya ang kanilang mga punong-barangay sakaling dumagsa ang mga lilikas mula sa Batangas.

Ang hindi pagtanggap sa lungsod ng mga evacuees ay alinsunod sa direktiba ni Cavite Gov. Jonvic Remulla at ang pamahalaang-panglalawigan ang sasagot sa antigen test ng mga lilikas sa lalawigan.

Paglilinaw din nito, hindi kinakailangan lumikas ang mga residente ng lungsod at mag-antabay lang ng mga totoong impormasyon sa telebisyon, radyo at official social media accounts.

Pinaalalahanan din ang mga residente na sakaling sumabog muli ang bulkang Taal, dapat ay manatili lang sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pintuan para maiwasan ang pagkakalanghap ng abo.

 

Read more...