Pagiging ‘sweet’ sa mga pampublikong lugar, bawal na rin ayon sa PNP

By Jan Escosio March 10, 2021 - 07:33 PM

Kapag nakita, sisitahin na ng mga pulis ang mga gumagawa ng ‘public display of affection’ para mapigilan ang pagkahawa-hawa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inanunsiyo ni Philippine National Police o PNP Chief Debold Sinas at aniya, “Papaigtingin lang natin kasi nga some from the IATF at mga local government units are already alarmed again kasi medyo tumaas ang cases. So ang PDA, yung hawak-hawa sisitahin na rin yan.”

Ang binabanggit ni Sinas na PDA ay ang paghahalikan, pagyayakapan at maging holding hands.

Sinabi pa niya na bukod sa mag-partner, sakop ng direktiba maging ang magkapamilya at magkaibigan.

“We cannot afford to lower our guard against the virus, especially at this point when the cure is already within reach,” sabi pa ng hepe ng pambansang pulisya.

TAGS: Inquirer News, PDA, PNP, PNP chief Debold Sinas, public display of affection, Radyo Inquirer news, Inquirer News, PDA, PNP, PNP chief Debold Sinas, public display of affection, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.