Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Umiiral ang curfew hours sa naturang lungsod simula 12:00 ng hating-gabi hanggang 3:00 ng madaling-araw.
Sinabi rin ng Muntilupa LGU na ibabalik ang mga checkpoint sa barangay boundaries.
Hindi naman sakop ng curfew ang mga Authorized Persons Outside Residence ( APOR), health staff at workers.
Sinumang lumabag ay pagmumultahin ng P300 sa first offense, P500 sa second offense habang P1,000 naman sa third offense.
May ipapataw ding parusa sa mga menor de edad na mahuhuling lalabag dito:
MOST READ
LATEST STORIES