NBI ang dapat mag-imbestiga sa pagpatay kay Mayor Aquino – Pangilinan

“Independent and credible”

Ito, ayon kay Sen. Francis Pangilinan, ang dapat na mangyaring pag-iimbestiga sa pagkakapatay kay Calbayog Mayor Ronaldo Aquino kasunod na rin ng pagbabago sa pahayag ng Philippine National Police o PNP ukol sa pangyayari.

“Why is the Philippine National Police (PNP) changing tune from an ambush to a shootout? Why were the police wearing bonnets and carrying heavy firearms? What could be the motive of the mayor and his aides in shooting the police, if the claim of the PNP chief is to be believed?” tanong ng senador.

Dapat aniyang magarantiyahan ang kaligtasan at seguridad ng mga testigo para mailabas nila ang katotohanan nang walang kinakatakutan.

Puna niya, ang PNP na dapat ay nagbibigay proteksyon sa mamamayan laban sa karahasan ay sila pa mismo ang mga nasasangkot sa mga kontrobersyal na pagpatay.

“Kung hindi nanlaban, nagtatago ng illegal na armas, at ngayon naman, nakipagbarilan. Parang may storya na agad ang pulis para hindi sila ang masisi sa mga pagpatay at paglabag sa karapatang pantao na nangyayari ngayon,” sabi pa ng senador.

Read more...