BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 603,000 na; 2,886 ang nadagdag

Mahigit 2,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (March 10), pumalo na sa 603,308 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 44,470 o 7.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,886 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 0.80 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 17 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,545 o 2.08 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 221 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 546,293 o 90.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...