Uniform curfew hours, ipinag-utos ng DILG sa Metro Manila mayors

Pinagbilinan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang Metro Manila mayors na magpatupad ng iisang curfew hours para hindi malito ang publiko.

Puna ni Usec. Epimaco Densing, magkakaiba ang ipinapatupad na curfew hours ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ang kanyang suhestiyon ay 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.

Aniya, may mga manggagawa na kinakailangang pumasok o tumawid sa isang lungsod na iba ang curfew hours sa kanyang pag-uwi.

Inaasahan na mas madaming pulis ang ipapakalat para magpatupad ng minimum health protocols bunsod na rin ng dumadaming bagong kaso ng COVID-19.

Base sa survey ng OCAT Research group, mababa sa 70 porsiyento ang nakakasunod sa health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng mask.

Read more...