Panukalang maghahati sa Maguindanao, lusot na sa Senado
Inaprubahan na sa third and final reading ang panukala na hatiin sa dalawa ang lalawigan ng Maguindanao.
Si Sen. Francis Tolentino, ang nag-sponsor ng House Bill No. 6413, para sa pagbuo ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Paliwanag ng senador, bibilis ang pag-unlad sa dalawang malilikhang lalawigan at mas magiging madali para sa mga Maguindanaoan ang makakuha ng mga serbisyo ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Aniya, sa laki ng Maguindanao, nagsisilbing malaking hamon sa pamahalaang-panglalawigan ang paghahatid ng serbisyo hanggang sa mga liblib na barangay.
Kapag naging batas, ang Maguindanao del Norte ay bubuuin ng mga bayan ng Barira, Buldon, Datu Blah Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Northern Kabuntalan, Parang, North Upi, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Talitay at ang Datu Odin Sinsuat ang magiging kapitolyo.
Samantala, ang Maguindanao del Sur naman ay bubuuin ng mga bayan ng Ampatuan, Datu Abdulla Sangki, Datu Anggal Midtimbang, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Gen. Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagalungan, Paglat, Pandag, Rajah Buayan, Sharif Aguak, Sharif Saydona Mustafa, Sultan sa Barongis, Talayan, South Upi at ang magiging kapitolyo ay ang Buluan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.