Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 118.16 milyon

Pumalo na sa 118.16 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 118,161,858 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 29,801,506 cases.

Sumunod na rito ang India na may 11,262,707 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,125,017 naman ang kaso sa Brazil habang 4,342,474 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,228,998
– France – 3,932,862
– Spain – 3,164,983
– Italy – 3,101,093
– Turkey – 2,807,387
– Germany –  2,520,609
– Colombia – 2,282,372
– Argentina – 2,162,001
– Mexico – 2,137,884

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,622,136 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 93,855,467 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...