Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na mas interesado siyang tumakbo sa lokal na posisyon kaysa tumakbong presidente ng bansa sa 2022 presidential elections.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring nakita na ngayon ni Robredo na wala na siyang pag-asa na maging pangulo ng bansa.
Na turn-off na kasi aniya ang taong bayan dahil sa maagang pamumulitika ni Robredo.
“Well, siguro po ngayon na lang niya nakita na wala na siyang pag-asa, kasi nga po sa kaniyang maagang pamumulitika, na-turn off ang taumbayan. So, good for her!” pahayag ni Roque.
Ikinadidismaya ng Palasyo na lahat na lamang ng programa ng administrasyon ay kinokontra ni Robredo lalo na ang pagtugon sa pandemya sa covid 19.