Paghahanda ng isang barangay sa Maynila sa lockdown, puspusan

By Chona Yu March 10, 2021 - 09:32 AM

Todo ang ginagawang paghahanda ng mga lokal na opisyal ng Brgy 351 sa Maynila para sa apat na araw na lockdown.

Ayon kay Brgy. Chairnan Almira Calip, bawal lumabas ng bahay ang mga residente mulaHuwebes, March 11 ng 12:01 madaling-araw hanggang Linggo, March 14 ng 11:59 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga residente na ngayon pa lamang, bumili at mag imbak na ng pagkain at iba pang mga pangangailangan sapagkat bawal din pumasok sa lugar ang mga food delivery services.

Hindi rin maaring magbukas ang nga tindahan at iba pang mga establisyemento.

Ayon kay Calip, bibigyan ng rasyon ang mga residente.

Sakaling may kailangang bilhin ang mga residente sa labas, maaring itawag o i text para ang mga barangay tanod na ang bumili.

Pinapayuhan din ang mga nagtatrabaho na maghanap muna ng pansamantalang matitirhan sa loob ng apat na araw dahil ipagbabawal ang paglabas at pagpasok ng mga residente sa barangay.

Hindi rin muna kikilalanin ang mga quarantine pass sa loob ng apat na araw.

Labing dalawa katao ang nagpositibo sa covid-19 sa Barangay 352.

Bukod sa 351, lockdown din ang  Barangay 725 pati na ang Malate Bayview Mansion sa Barangay 699 matapos makapagtala ng 14  confirmed cases at Hop Inn Hotel na may  3 kaso.

TAGS: COVID-19, lockdown, malate, Maynila, COVID-19, lockdown, malate, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.