LPA sa Mindanao magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area sa bahagi ng Mindanao.

Sa 4am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 895 km Silangan Timog-Silangan ng Davao City.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja na malayo ang tyansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Kumikilos anya ang LPA patungong kanlurang direksyon at maaring tumama sa timog na bahagi ng Mindanao, bukas, araw ng Huwebes.

Tatawirin ng sama ng panahon ang  iba pang bahagi ng Mindanao hanggang sa Biyernes.

Maari din anyang umakyat ito patungo sa CARAGA Region at tatawid sa Timog na bahagi ng Visayas hanggang sa araw ng Biyernes.

Nilinaw ni Estareja na ano man ang maging galaw ng LPA ay magdudulot ito ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao, Bicol Region at MIMAROPA simula ngayong araw hanggang Biyernes.

Samantala, apektado pa rin ng umiiral na Northeast Monsoon o Amihan ang Northern Luzon.

Read more...