Duterte admin, mas abalang umatake kay Robredo kaysa magresolba ng problema – OVP

By Angellic Jordan March 09, 2021 - 04:52 PM

Iginiit ng Office of the Vice President (OVP) na mas naglalaan ng oras ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umatake kay VP Leni Robredo kaysa gumawa ng solusyon sa mga kinakaharap ng problema ng bansa.

“This administration spends more time attacking Leni Robredo than responding to the real, urgent problems of our people and nation,” base sa inilabas na pahayag ni Atty. Barry Gutierrez.

Ito ang naging pahayag ng kampo ni Robredo kasunod ng pahayag ng Punong Ehekutibo na ang Bise Presidente ang responsable sa pagkakaroon ng duda ng publiko sa mga COVID-19 vaccine nakukuha ng Pilipinas.

“Kulelat tayo sa pagkuha ng bakuna? Awayin si Leni Robredo. Mabagal ang pagtugon sa bagyo at baha? Siraan si Leni Robredo. Milyon milyon ang nawalan ng trabaho? Insultuhin si Leni Robredo. Tapos sila daw ang “hindi namumulitika?” patutsada pa nito.

Sa kabila ng mga akusasyong ibinabato kay Robredo, sinabi ni Gutierrez na ipagpapatuloy na lamang ng kanilang kampo ang pagtatrabaho.

“Sa kanila na ‘yang puro paninisi, itutuloy na lang namin ang trabaho,” saad nito.

TAGS: Atty. Barry Gutierrez, COVID-19 response, Inquirer News, OVP, Radyo Inquirer news, Atty. Barry Gutierrez, COVID-19 response, Inquirer News, OVP, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.