Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (March 9), pumalo na sa 600,438 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 41,822 o 7.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,668 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.9 porsyento ang asymptomatic; 0.80 porsyento ang moderate; 1.9 porsyento ang severe habang 1.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa pito naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,528 o 2.09 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 171 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 546,078 o 90.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.