AstraZeneca vaccination sa mga senior citizen health workers, umarangkada na sa Maynila

By Chona Yu March 09, 2021 - 11:18 AM

(Courtesy: Manila PIO)

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Covid 19 vaccination program sa mga senior citizen na healthcare workers sa Ospital ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, gamit ng lokal na pamahalaan ang bakunang gawa ng AstraZeneca.

Unang tinurukan ng bakuna ng AstraZeneca si Dr. Mario Lato na isang senior healthcare worker sa city district hospital.

Nabatid na nakatanggap ang Maynila ng 1,000 doses ng AstraZeneca vaccine at 3,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa national government.

Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang 266 senior citizen na healthcare workers.

 

TAGS: AstraZeneca, China, COVID-19, health workers, Isko Moreno, senior citizen, Sinovac, vaccine, AstraZeneca, China, COVID-19, health workers, Isko Moreno, senior citizen, Sinovac, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.