“She just would maybe shut up.”
Payo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo dahil sa patuloy na pagpuna sa vaccination program na ginagawa ng pamahalaan kontra Covid 19.
Ikinagagalit ng Pangulo ang pagsuporta ni Robredo sa panawagan ng ilang health workers ng Health Technology Assessment Council na magsagawa ng review sa paggamit ng Coronavac na gawa ng Sinovac ng China.
Ayon sa Pangulo, kung wala rin lang maitutulong si Robredo, mas makabubuti kung manahimik na lamang muna ito.
Pinagsusumikapan kasi aniya ng pamahalaan na agad na matugunan ang problema sa Covid 19.
“So I hope that next time kung wala naman siyang masabi na tama, she just would maybe shut up. Siguraduhin niya muna o hindi magbasa siya, siya mismo. Ikaw, ma’am, ang magbasa and take notes of the important or salient points of the law. Otherwise, I said, a misplaced comma could change the meaning of everything,” pahayag ng Pangulo.
Ang Health Technology Assessment Council ay isang advisory body na binuo sa ilalim ng Universal Health Care Act. Tungkulin nito na magsagawa ng review sa ethical at community impact ng health technologies kabilang na ang mga gamot, bakuna at iba pang health devices na ipakikilala sa publiko.
Giit ng Pangulo, hindi siya napipikon sa mga birada ni Robredo. Ang nakadidismaya lang ayon sa punong ehekutubo, puspusan na nga ang ginagawa ng gobyerno na makumbinsi ang publiko na magpabakuna, panay batikos naman si robredo.
“Hindi ako napikon. Nagalit ako sa iyo. Kasi sabi ko ano bang klase ito? Eh nauubos na natin ‘yong panahon na to convince ang tao and ito naman na hindi nakumpleto ‘yong proseso. So ‘yong tao gumaganoon. Iyon ang iniiwasan natin kaya nga pagdating diretso na kaagad. The day the — on the eve, kinabukasan turok na nang turok and it has helped our country,” pahayag ng Pangulo.
Pinipilit aniya ni Robredo na magkaroon ng pagdududa ang publiko sa mga bakunang nakuha ng pilipinas.
Aabot sa 600,000 doses ng Sinovac vaccine ang tinanggap ng Pilipinas na donasyon mula sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.