Mayor ng Calbayog, Samar, 2 bodyguard patay sa ambush

Patay ang isang mayor at dalawang bodyguard matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek sa Laboyao Bridge, Brgy Lonoy,  Calbayog City, Samar.

Nakilala ang biktima na si Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Ayon sa ulat, sakay ng sports utility vehicle ang mayor at kagagaling lamang maglaro ng tennis at papunta sa birthday ng anak na lalaki nang sundan ng isang van.

Pagdating sa tulay, agad na pinaputukan ang sasakyan ng mayor.

Nakuha pa ng mga police escorts ni Mayor Aquino na makaganti ng putok laban sa mga suspek.

Tinamaan si Mayor Aquino sa ulo at agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Gayunman, binawian din ng buhay ang mayor.

Napatay din sa ambush ang dalawang bodyguard ng mayor.

 

Read more...