(Courtesy: PDEA)
Aabot sa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon ang nakumpiska sa limang katao, kabilang ang dalawang college students sa Muntinlupa City.
Ikinasa ang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at tauhan ng Muntinlupa City Police alas-9:05 kagabi, Marso 8 malapit sa isang kilalang fastfood store sa Barangay Tunasan.
Sa ulat na natanggap ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, nakilala ang limang naaresto na sina Liezel Julhasan, alias Manay, 40; Donnalyn Julhasan, 21, 2nd year college student, kapwa residente ng Katarungan Village, Muntinlupa City; Denver Porlahe, 19, 1st year college student, ng Barangay Langgam, San Pedro City, Laguna; Sharifa Kuly, 28, online seller ng Barangay Cuyab, San Pedro City, Laguna at Rovelyn Enot y Apas, 40, ng Type B, Powerhouse, Muntinlupa City.
Nakumpiska din sa kanila ang pitong cellphones, isang pulang Toyota Wigo (DAI 6096) at ang ginamit na boodle money.