2 college students, 3 pa timbog sa P13.6M halaga ng shabu sa Muntinlupa City

By Jan Escosio March 09, 2021 - 09:06 AM

(Courtesy: PDEA)

Aabot sa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon ang nakumpiska sa limang katao, kabilang ang dalawang college students sa Muntinlupa City.

Ikinasa ang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at tauhan ng Muntinlupa City Police alas-9:05 kagabi, Marso 8 malapit sa isang kilalang fastfood store sa Barangay Tunasan.

Sa ulat na natanggap ni PDEA Director General  Wilkins Villanueva, nakilala ang limang naaresto na sina Liezel Julhasan, alias Manay, 40; Donnalyn Julhasan, 21, 2nd year college student, kapwa residente ng Katarungan Village, Muntinlupa City; Denver Porlahe, 19, 1st year college student, ng Barangay Langgam, San Pedro City, Laguna; Sharifa Kuly, 28, online seller ng Barangay Cuyab, San Pedro City, Laguna at Rovelyn Enot y Apas, 40, ng Type B, Powerhouse, Muntinlupa City.

Nakumpiska din sa kanila ang pitong cellphones, isang pulang Toyota Wigo (DAI 6096) at ang ginamit na boodle money.

TAGS: Denver Porlahe, Donnalyn Julhasan, Liezel Julhasan, Muntinlupa City, PDEA, PDEA Director General Wilkins Villanueva, Philippine Drug Enforcement Agency, Rovelyn Enot y Apas, Sharifa Kuly, Denver Porlahe, Donnalyn Julhasan, Liezel Julhasan, Muntinlupa City, PDEA, PDEA Director General Wilkins Villanueva, Philippine Drug Enforcement Agency, Rovelyn Enot y Apas, Sharifa Kuly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.