Mga ahensya ng gobyerno, hinimok na kumbinsihin ang mga empleyado na magpabakuna

By Erwin Aguilon March 09, 2021 - 08:09 AM

Pinakikilos ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga ahensya ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang para kumbinsihin ang kanilang mga empleyado na magpabakuna kontra Covid-19.

Ginawa ito ni Vargas kasunod ng survey na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 1,000 empleyado nito kung saan lumabas na 35 percent lamang ang gustong magpaturok ng Covid-19 vaccine, 52 percent ang undecided, at ang natitirang iba pa ay ayaw magpabakuna.

Ang resulta ng nasabing survey ay naungkat sa pagdinig ng House Committee on Social Services na pinamumunuan ni Vargas.

Ayon sa kongresista, kailangang magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno na maipaliwanag sa mga tao ang kahalagahan ng bakuna lalo na sa mga nasa frontline services na direktang nakikisalamuha sa mga tao.

Mahalaga anya na ang kumpyansa sa bakuna ay makita sa mga nasa pamahalaan.

Sinabi naman ng DSWD sa hearing na pinaigting na nito ang pag-promote sa vaccination program gamit ang information materials mula sa Department of Health (DOH).

Plano ng ahensya na magsagawa ng town hall meetings kasama ang health officials para sa mga nakatatanda at mahihirap na siyang pangalawa at pangatlo sa listahan ng mga prayoridad na mabakunahan ng Covid-19 vaccine.

TAGS: alfred vargas, COVID-19, Department of Social Welfare and Development, House Committee on Social Services, vaccine, alfred vargas, COVID-19, Department of Social Welfare and Development, House Committee on Social Services, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.