CHR, magkakasa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng siyam na aktibista

By Angellic Jordan March 08, 2021 - 07:28 PM

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) csa gobyerno na agad magkasa ng imbestigasyon sa madugong operasyon sa Southern Tagalog, araw ng Linggo (March 7).

Base sa mga ulat, siyam na aktibista ang nasawi habang anim ang naaresto sa police operations sa ilang militanteng grupo sa Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, nakababahala ang bilang ng mga nasasawi sa gitna ng isyu sa red-tagging at pag-atake laban sa mga aktibista.

“Despite several commitments by the Philippine Government—domestically and internationally—to uphold, respect, and protect human rights, we have yet to see concrete response to our repeated plea for tangible reduction of violence on the ground,” pahayag nito.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang komisyon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, March 5, kung saan ipinag-utos nito sa mga pulis at sundalo na kapag napa-engkwentro sa mga rebelde, tiyaking walang maiiwang buhay sa mga ito.

Kinokondena aniya ng CHR ang paggamit ng armas at karahasan at dapat laging irespeto ang karapatang pantao.

Dapat aniyang mapatawan ng parusa ang mga krimen alinsunod sa mga panuntunan sa ilalim ng rule of law at due process.

“Words matter and such words can embolden some to act with abuse and impunity,” ani de Guia.

“The government, with its primary obligation to respect, protect, and fulfill the rights of everyone, cannot be the first one to violate them,” saad pa nito.

Magsasagawa ang CHR, sa pamamagitan ng CHR Region IV-A office, ng hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso.

TAGS: Atty. Jacqueline Ann De Guia, Bloody Sunday, CHR, Inquirer News, police operations, police raid, Radyo Inquirer news, Atty. Jacqueline Ann De Guia, Bloody Sunday, CHR, Inquirer News, police operations, police raid, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.