Kalsada sa bahagi ng Bilar, Bohol sarado sa March 13 hanggang 14

Abiso sa mga motorista

Pansamantalang isasara ang Loay Interior Road (LIR) sa bahagi ng national highway ng Barangay Villa Aurora sa Bilar, Bohol sa March 13 hanggang 14, 2021.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na layon nitong mapabilis ang isinasagawang konstruksyon sa nasabing kalsada.

“Due to the steep land profile of the project area, it is difficult for heavy equipment to maneuver and operate using a single lane of the road section while the other lane is open for the traveling public and may impose possible danger,” paliwanag ng kagawawan.

Maaapektuhan nito ang mga motorista at commuter na patungo sa at mula sa Tagbilaran City hanggang Bilar at Carmen.

Inabisuhan ang mga ito na dumaan muna sa Cortes – Balilihan – Catigbian – Macaas Road hanggang Balilihan – Hanopol – Batuan Road o sa Corella – Balilihan Provincial Road hanggang Balilihan – Hanopol – Batuan Road.

Kung bibiyahe naman sa Silangang bahagi ng naturang probinsya, maaaring dumaan sa Dimiao Junction Tagbilaran East Road (TER) Dimiro – Oac – Bilar Provincial Road patungong Poblacion, Bilar at pabalik.

Maglalagay naman ng abiso ukol sa road closure sa iba’t ibang road sections ng Loay Interior Road (LIR), Carmen-Sierra Bullones – Pilar – Alicia Road (CSBPAR), Corella – Sikatuna – Loboc Road (CSLR), Batuan – Hanopol – Balilihan Road (BHBR), Cortes – Balilihan – Catigbian – Macaas Road (CBCMR), Tagbilaran East Road (TER), Corella – Balilihan Provincial Road, at sa lahat ng maaapektuhang munusipalidad upang maiwasan ang pagkaantala at komplikasyon.

Read more...