NBA All-Star: Team Lebron tinalo ang Team Durant, 170 – 150.

By Jan Escosio March 08, 2021 - 05:13 PM
DIGITAL IMAGE / NBA FB PHOTO

Noong 2018, tinalo ng koponan ni James ang koponan ni Steph Curry at sa magkasunod na taon, tinalo niya ang grupo ni Giannis Antetokounmpo.

Ngayon taon pinili niya sina Curry at Antetokounmpo na kakampi at  nakatikim na ng panalo ang dalawa sa All – Star.

Pinangunahan ni Antetokounmpo ang Team Lebron sa kanyang 35-puntos at siya ang tinanghal na All Star Game MVP, samantalang 28 puntos naman ang iniambag ni Curry, kasama ang walong 3-pointers.

Hindi nakapaglaro si Durant dahil sa harmstring injury at si Bradley Beal ang namuno sa kanilang koponan sa ikinakalat niyang 26 puntos.

Kumamada din ng hindi bababa sa 20 puntos sina Kyrie Irving, James Harden at Jayso Tatum.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.