Oral arguments sa Anti-Terrorism Law petitions muling kinansela

March 08, 2021 - 04:54 PM

Sa pangalawang pagkakataon muling hindi matutuloy ang pagpapatuloy sana ng oral arguments sa Korte Suprema hinggil sa mga petisyon na inihain para pigilin o ibasura ang batas.

Sinabi ni SC Clerk of Court Edgar Aricheta ang suspensyon bukas ay dahil may mga mahistrado na naka-self quarantine.

Ipagpapatuloy na lang ang pagdedebate sa batas sa Marso 16.

Magugunita na noong Pebrero 23 kinansela din ang oral arguments dahil sa katulad na kadahilanan.

Natuloy naman ang ikaapat na oral argument noong sumunod na Martes, Marso 2.

Noong nakaraang Martes, Marso 9, nagkaroon muli ng debate ang mga ayaw at pabor sa batas.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.