Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas (March 9)
Abiso sa mga motorista.
Matapos ang apat na linggong oil price hike, magpapatupad na ng bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa anunsiyo ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, at Caltex, may tapyas na P0.10 sa presyo ng bawat litro ng gasoline habang P0.35 naman ang bawas sa diesel.
P0.55 naman ang tapyas sa kerosene ng Shell, Caltex, at Seaoil.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (March 9).
Dakong 12:01, Martes ng hatinggabi, naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Caltex.
Sa Cleanfuel naman, ipatutupad ang oil price rollback bandang 8:01 ng umaga.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.