Automatic lockdown sa mga barangay na tumataas na kaso ng COVID-19, ipatutupad ni Mayor Isko

By Chona Yu March 08, 2021 - 02:08 PM

Manila PIO photo

Inatasan ni si Manila Barangay Bureau director Romeo Bagay na agad na magpatupad ng automatic lockdown sa mga barangay na makapagtatala ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Pahayag ito ni Mayor Isko matapos iulat ng Department of Health (DOH) na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Inatasan din ni Mayor Isko si Manila Police District Director Brig. General Leo Francisco na lalong higpitan ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa lahat ng kalsada at barangay sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, mahigpit pero dapat na maging magalang pa rin ang mga pulis.

Inatasan din ni Mayor Isko si Manila Traffic and Parking Bureau director Dennis Viaje na muling pagalain ang COVID-19 Marshals para pagsabihan ang mga pasaway sa kalsada.

Ipinahahanda na rin ni Mayor Isko ang delivery ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 pamilya sa Lungsod.

TAGS: automatic lockdown in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, automatic lockdown in Manila, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.