Miriam-Bongbong tandem, muling magsasama sa kampanya

By Dona Dominguez-Cargullo April 07, 2016 - 10:37 AM

INQUIRER FILE PHOTO/Niño Orbeta
INQUIRER FILE PHOTO/Niño Orbeta

Muling magsasama sa kampanya sa susunod na mga araw ang tambalang Senators Miriam Defensor Santiago at Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ayon kay Marcos, pinoproseso na nila ngayon ang pagsasagawa ng sortie na magkasama silang dalawa ni Santiago sa susunod na linggo.

Bagaman wala pang eksaktong petsa at detalye, sinabi ni Marcos na magkakaroon sila ng joint appearance ng senadora. “Meron kaming pinaplano. I think we will have a joint appearance. Wala pang mga details so far but we will announce it as soon we have it,” ani Marcos.

Huling nakitang magkasama sa kampanya ang tambalang Santiago-Marcis sa launching ng Youth for Miriam Movement sa Ynares Sports Center sa Pasig City noong February 15.

Bigo rin si Santiago na makadalo sa second presidential debate na ginanap sa Cebu City dahil sumailalim siya noon sa clinical trial para sa bagong anti-cancer drug.

Ayon kay Marcos dahil mas mahalaga ang kondisyong pangkalusugan ng senadora, hindi nila ipinipilit na mangampanya lagi ng sabay.

Mas praktikal din aniya ang pagsasagawa ng hiwalay na kampanya para mas masakop nila ang mas maraming lugar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.