Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 117,449,512 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 29,696,250 cases.
Sumunod na rito ang India na may 11,229,398 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 11,019,344 naman ang kaso sa Brazil habang 4,322,776 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,218,520
– France – 3,904,233
– Spain – 3,149,012
– Italy – 3,067,486
– Turkey – 2,780,417
– Germany – 2,508,655
– Colombia – 2,276,656
– Argentina – 2,149,636
– Mexico – 2,128,600
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,605,337 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 92,964,061 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.