Mayor ng Kidapawan City, no show sa senate hearing sa Kidapawan dispersal
Nagsimula na ang pagdinig ng senado hinggil sa naganap na dispersal sa protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Isinagawa ang pagdinig sa University of Southeastern Philippines sa Davao City para mas madali umano sa mga magsasaka na makadalo sa pagdinig kung nais nila.
Pinangunahan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagdinig bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights ng senado.
Dumalo sa pagdinig si North Cotabato Gov. Emmylou Mendoza habang bigo naman na makasipot si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.
Ang iba pang resource persons na inimbitahan sa pagdinig ay sina:
– Department of Social Welfare and Development (DSWD) Usec. Vilma Cabrera
– DSWD Region XII Field Office Dir. Bai Zorahayda Taha
– Department of Agriculture (DA) Legal Services Dir. Vero Librojo
– DA Region XII Exec. Dir. Amalia Datukan
– Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwendolyn Pimentel-Garcia
– National Food Authority (NFA) Dep. Admin. Ludovico Jarina
– NFA Dir. Marciano Alvarez
– NFA Region XII Asst. Reg. Dir. Lester Malana
– NFA Cotabato OIC Agerico B. Baquiran
– Mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP), Solidarity Action Group for Indigenous People and Peasants (SAGIPP), at Kapisanan ng mga Magbubukid ng Pilipinas
– mga kaanak ng mga nasawi sa insidente.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pimentel na layon ng pagdinig na matukoy ang totoong nangyari sa dispersal at masagot ang mga panawagang hustisya.
“Ang tanong eh, may pera sa GAA, hindi naman naghihirap ang bansa, pero bakit mag nagpoprotesta na sila ay nagugutom?,” ani Pimentel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.