Ang pagtaas ay nag-preno na at bukas, araw ng Martes, ay magtatapyas naman ang mga kompaniya ng langis ng presyo sa kanilang mga produktong-petrolyo.
Ang Shell, Cleanfuel, Seaoil at Petro Gazz ay nagsabing 10 sentimos ang ibabawas nila sa bawat litro ng kanilang gasolina, samantalang bababa naman ng P0.35 ang halaga ng kada litro ng kanilang krudo.
Samantala, ang Shell at Seaoil ay nag-anunsiyo na rin ng P0.55 bawas presyo sa bawat litro ng kerosene.
Ang ‘oil price cut’ ay magiging epektibo simula ala-6:01 ng umaga, samantalang alas-8:01 naman sa Cleanfuel.
Inaasahan na gagawa din ng katulad na hakbang ang iba pang mga kompaniya ng langis.